Mga Cryptocurrency:  11,149Mga Pagpapalitan:  391Market Cap:  ₱77,399,069,025,07924h Dami:  ₱3,882,686,983,501Dominance:  BTC: 46.3% ETH: 18.7%ETH Gas:  47 Gwei
Mga Cryptocurrency:  11,149Mga Pagpapalitan:  391Market Cap:  ₱77,399,069,025,07924h Dami:  ₱3,882,686,983,501Dominance:  BTC: 46.3% ETH: 18.7%ETH Gas:  47 Gwei
PMA

PumaPayPMA

Ranggo #1057
Token
Nasa 8,164 watchlist

Presyo ng PumaPay (PMA)

₱0.008467
4.71%

0.000000004434 BTC4.92%

0.00000006846 ETH4.92%

Mababa:₱0.008397
Mataas:₱0.009079
24h
PMA  PumaPay PMAPrice: ₱0.008467 4.92%
Market Cap
₱261,596,317
4.92%
Fully Diluted Market Cap
₱660,780,180
20.05%
Dami
24h
₱26,435,459
23.05%
Volume / Market Cap
0.1011
Umiikot na Supply
30.90B PMA
Sagad na Supply
--
Kabuuang Supply
78,042,956,829
Sponsored

PumaPay Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng PMA

Ang presyo ng PumaPay ngayon ay ₱0.008473 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱26,453,203 PHP. Ang PumaPay ay bumaba nang 4.92 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #1057, na may market cap na ₱261,771,907 PHP. Ito ay may circulating supply na 30,896,432,231 PMA (na) coin at ang max. supply ay hindi available.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng PumaPay ay kasalukuyang OKEx, HitBTC, Bittrex, ChainX, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang PumaPay (PMA)?

Ang PumaPay ay isang solusyon sa pagbabayad ng crypto para sa mga negosyo na nagbibigay ng isang hanay ng mga serbisyo na nakatuon sa lubusang pagbabago sa kung paano tumatanggap ng cryptocurrency na bayad ang mga mangangalakal at gawing mas madaling makuha ang mga cryptocurrency kaysa dati. Ang pangunahing layunin ng PumaPay ay ang magbigay ng isang mas naaakses na sistema sa pagbabayad ng crypto na mas mabilis, mas mura at sa pangkalahatan ay mas mahusay kaysa sa mga kakumpitensya pagdating sa pagbabayad.

Mahalagang tandaan na ang mga transaksyon sa protokol ng PumaPay ay libre maliban sa mga bayarin sa gas ng Ethereum. Salamat sa paggamit ng blockchain, ang bawat transaksyon ay hindi nababago, at ang mga balik-bayad ( chargebacks ) ay imposible, na nagbibigay sa mga mangangalakal ng kapanatagan ng isip kapag tumatanggap ng mga crypto na bayad.

Gumaganap rin ng malaking bahagi sa mga ambisyon ng platform ang disentralisasyon. Dahil sa ang mga kostumer ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa mga negosyo nang hindi kailangan ang isa pang ikatlong partido o middleman, maaaring tumulong ito na panatilihing mababa ang mga gastusin sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga hindi kailangang bayarin at mga singil ng nagproseso ng bayad.

Ang proyekto ay nilikha noong 2017 at nagdaos ng isang initial coin offering (ICO) noong Mayo 2018, nakalikom ng~$117 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng kabuuang 78 bilyon na PMA token. Ang PMA token mismo ay ginamit para magbigay ng mabilis at murang mga transaksyon sa pamamagitan ng PullPayment protokol ng PumaPay, na nagpapagana ng mga bayad na batay sa subskripsyon, mga maliliit na transaksyon (micro-translations) at mga napagbahaging bayad (shared payments) upang malubos ang pleksibilidad para sa mga kostumer at retailer.

Sino ang mga Tagapagtatag ng PumaPay (PMA)?

Ang PumaPay ay kapwa itinatag ni Yoav Dror, na nagsisilbi pa rin bilang ang CEO ng platform hanggang sa araw na ito. Ang Dror ay may malawak na kasaysayan sa paghawak ng mga ehekutibong tungkulin sa mga prominenteng kumpanya at may higit sa 20 taong karanasan sa pamumuno ng mga online na kumpanya na may matataas na transaksyon. Ang iba pang mga tagapagtatag ay hindi humaharap sa publiko.

Bukod sa Dror, kabilang din sa executive team ng PumaPay si Aristos Christofides — ang CTO ng PumaPay — na may masters sa electronic engineering at higit sa 15 taong karanasan sa pagpapaunlad ng komersyal na aplikasyon. Si Giorgos Kourtellos ay ang punong arkitekto ng blockchain at dating nagtrabaho sa IBM Client Innovation Center bilang isang tagapagbuo ng full-stack blockchain nang apat na taon.

Ang kumpanya sa likod ng PumaPay ay kilala bilang Decentralized Vision. Ang kumpanya sa kasalukuyan ay may higit sa 20 empleyado, marami sa kanila ay may magkakapatong na tungkulin sa PumaPay.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa PumaPay (PMA)?

Isa sa mga pangunahing tampok ng PumaPay ay ang kumpletong pagpapagaan sa panganib dala ng pabago-bago ng presyo (volatility) habang nagkakaloob ng 100% pagkalikida sa mga mangangalakal. Nakakamit ito ng proyekto sa pamamagitan ng paggamit ng isang makabagong fiat settlement layer na tinatanggal ang pababago-bago ng presyo (volatility) at tinitiyak ang paglikida sa pamamagitan ng pag-lock sa PMA exchange rate sa sandali ng bawat transaksyon.

Ang pleksibilidad ( flexibility ) o kakayahang umangkop ay isa rin sa mga kalakasan ng PumaPay dahil pinapayagan nito ang mga negosyo at kostumer na mamimili sa pagitan ng minsanang pagbabayad at mga opsyon sa paulit-ulit na pagbabayad tulad ng "magbayad ayon sa oras" o magbayad ayon sa paggamit." Ang solusyong ito ay ginagawang kapaki-pakinabang ang PMA bilang isang paraan ng pagbabayad dahil magagamit na ito ngayon para bayaran ang subscription-type payments nang hindi nangangailangan ng awtorisasyon sa bawat oras na kailangang magbayad, dahil sa bukod-tanging PullPayment protocol ng PumaPay.

Ang PumaPay ay lumikha ng isang hanay ng mga serbisyo, produkto at kasangkapan para madaling makasali sa platform ang Payment Service Providers (PSPs) at makapagbigay ng kanilang mga serbisyo sa libo-libong kostumer sa buong mundo. Ang platform rin ay PCI DSS Services Provider Certified, na nagkakaloob ng kapanatagan ng isip sa PSPs na nagnanais na sumama sa APIs ng PumaPay.

Mga Kaugnay na Page:

Tingnan ang Ethereum — ang popular na ipinamamahaging computing platform.

Sundan ang XRP — isang digital asset na ginagamit para sa mga cross-border payment settlement.

Natigilan na sa isang crypto term? Alamin ang kahulugan nito sa Alexandria Crypto Glossary.

Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong balita at update gamit ang CoinMarketCap blog.

Gaano Karaming PumaPay (PMA) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang PumaPay ay may tiyak na pinakamaraming kabuuang supply na 78,042,956,829 PMA — lahat ng mga token na ito ay nilikha sa panahon ng Mayo 2018 PMA token generation event (TGE). Ang platform sa kasalukuyan ay may sirkulasyong supply na higit lang sa isang-katlo (one-third) nito, sa 26.4 bilyong PMA hanggang noong Oktubre 2020.

Tinapos ng proyekto ang ICO nito noong Mayo 7, 2018, pagkatapos na kumolekta ng halos $117 milyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng 50,000 PMA para sa 1 ETH noong paunang bentahan ng PumaPay at 25,000 PMA para sa 1 ETH sa presyo ng ICO.

Ayon sa PumaPay white paper, ang kabuuang supply ng PumaPay tokens ay inilaan gaya ng sumusunod: 35% sa Decentralized Vision Ltd na gagamitin para sa pagpapaunlad ng protokol at hinaharap na estratehiya; 20% sa mga pampublikong kontribyutor; 20% sa mga kasosyo sa paglunsad at naunang tagagamit; 15% sa mga tagapayo, propesyonal na bayarin at mga bonus; at 10% sa mga tagapagtatag at koponan.

Paano Sine-secure ang PumaPay (PMA) Network?

Itinayo ang PumaPay sa itaas ng Ethereum blockchain. Bilang resulta, ito ay ginawang ligtas ng pinagsamang pagsisikap ng libo-libong tagamina at nodes ng Ethereum, na kumikilos upang ipatupad ang kanyang proof-of-work (PoW) konsensus na algoritma para labanan ang mga pag-atake, kabilang ang 51% at distributed denial of service (DDoS) na mga pag-atake.

Dagdag pa rito, ang token na matalinong kontrata (token smart contract) ay na-audit ng mga ikatlong partidong provider na nagkukumpirma na ang proyekto ay nakakatugon sa lahat ng mga kinakailangang pamantayan — hanggang sa panahon ngayon, walang malalaking kahinaan na nakita kailanman sa PMA token na kontrata.

Bagaman ang PumaPay ay kasalukuyang gumagana sa Ethereum, may kakayahan itong lumipat sa ibang network kung kinakailangan, tulad kung may lilitaw na nakahihigit na alternatibo na mas bumabagay sa mga pangangailangan nito.

Saan Ka Makakabili ng PumaPay (PMA)?

Available na bilhin at ikalakal ang PumaPay sa ilang nangungunang antas ng exchange kabilang ang OKEx, Bittrex at HitBTC. Magagawang makita ng mga mangangalakal ang PMA na naipares laban sa Tether (USDT), Bitcoin (BTC) at Ethereum (ETH) sa ilang exchange, samantalang ang PMA ay maaari ring ikalakal laban sa dolyar ng U.S. (USD) sa HitBTC.

Walang kang anumang mga asset na ikakalakal laban sa PMA? Matutunan kung paano direktang bumili ng mga cryptocurrency gamit ang iyong credit at debit card dito.

converter-coin-logo

PMA

PumaPay

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng PMA

PumaPay Presyo Ngayon
Presyo ng PumaPay₱0.008467
Pagbabago ng presyo24h₱-0.0004182
4.71%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱0.008397 /
₱0.009079
Volume ng Pagte-trade24h₱26,435,458.59
23.33%
Volume / Market Cap0.1011
Dominance sa Market0.00%
Ranggo sa Merkado#1057
Market Cap ng PumaPay
Market Cap₱261,596,316.90
4.71%
Fully Diluted Market Cap₱660,780,180.49
20.32%
PumaPay Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱0.008571 /
₱0.009095
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱0.009095 /
₱0.008697
Pagbabago Kahapon

4.38%

Dami Kahapon₱27,031,598.61
PumaPay Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱0.007969 /
₱0.009273
30 araw na Low / 30 araw na High
₱0.007809 /
₱0.03147
90 araw na Low / 90 araw na High
₱0.005395 /
₱0.05117
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱0.004608 /
₱0.2181
Pinakamataas
Sep 17, 2018 (3 years ago)
₱0.2971
97.14%
Pinakamababa
Jan 09, 2020 (2 years ago)
₱0.003852
120.31%
ROI ng PumaPay

85.75%

PumaPay Panustos
Umiikot na Supply30,896,432,231 PMA
Kabuuang Supply78,042,956,829 PMA
Sagad na SupplyWalang Datos