KP3R

Keep3rV1KP3R

Rank #543
Token
On 10,258 watchlists

Presyo ng Keep3rV1 (KP3R)

₱12,697.54
0.80%

0.005894 BTC1.03%

0.07813 ETH1.03%

Mababa:₱11,859.35
Mataas:₱13,203.16
24h
KP3R  Keep3rV1 KP3RPrice: ₱12,697.54 1.03%
Market Cap
₱2,539,520,258
1.03%
Fully Diluted Market Cap
₱2,560,369,615
1.03%
Dami
24h
₱322,259,557
9.58%
Volume / Market Cap
0.1269
Umiikot na Supply
200,001.00 KP3R
99%
Sagad na Supply
201,643
Kabuuang Supply
200,001

Keep3rV1 Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng KP3R

Ang presyo ng Keep3rV1 ngayon ay ₱12,702.59 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱322,387,678 PHP. Ang Keep3rV1 ay bumaba nang 1.03 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #543, na may market cap na ₱2,540,529,904 PHP. Ito ay may circulating supply na 200,001 KP3R (na) coin at na max. supply na 201,643 KP3R (na) coins.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng Keep3rV1 ay kasalukuyang Binance, OKEx, MXC.COM, AOFEX, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang Keep3rV1 (KP3R)?

Ang Keep3rV1 ay isang desentralisadong platform na dinisenyo upang mapadali ang koordinasyon sa pagitan ng mga proyekto na kailangan ng mapagkukunan ng mga panlabas na operasyon sa pagpapaunlad at ang maaaring magkaloob ng mga kinakailangang serbisyong iyon. Kung tutuusin, ang proyekto ay nagsisilbing job board na pinadadali ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga nagpaskil ng trabaho, tulad ng mga protokol sa decentralized finance, at mga tagapagsagawa ng trabaho, na kilala bilang mga Keeper. Ang mga ginagampanang gawain ng mga Keeper ay sumasaklaw mula sa pagsusumite at pagtatawag sa mga transaksyon sa mismong chain hanggang sa pagkumpleto ng mga kumplikadong operasyon sa labas ng chain. Gumagamit ang Keep3rV1 ng isang ERC-20 token, ang KP3R, para sa pamamahala at para magbigay ng mga gantimpala sa mga Keeper.

Ang proyekto ay unang inanunsyo noong Oktubre 22, 2020. Nailunsad ito sa Ethereum mainnet sa beta mode noong Oktubre 28, 2020.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Keep3rV1?

Ang Keep3rV1 ay itinatag ni Andre Cronje, isang inhinyero at application developer ng blockchain na kamakailang naging tanyag kasunod ng paglulunsad ng proyektong DeFi na yearn.finance at eksplosibong paglago ng governance token nito, ang YFI, na nakaranas ng 1,300 beses na pagtaas sa halaga sa unang dalawang buwan nito ng pag-iral noong 2020.

Si Cronje ay dating nagsilbi bilang pinuno ng inobasyon at teknolohiya sa Fusion Foundation, ang organisasyon sa likod ng Fusion protocol, kung saan pinangunahan niya ang mga inisyatibo kaugnay sa mga desentralisadong application, mga pakikipagsosyo sa teknolohiya at mga pagpapatupad. Nagtrabaho din siya bilang punong code reviewer at isang kontribyutor sa Crypto Briefing, pinuno ng teknolohiya sa fintech na kumpanyang Freedom, at pinuno ng teknolohiya sa Shoprite Group, dagdag pa sa paninilbihan sa mga tungkulin ng pagpapaunlad ng teknolohiya ng blockchain para sa BitDiem, Cryptocurve at Lemniscap.

Sa kabila ng hindi kapani-paniwalang paglago ng yearn.finance at YFI, inihayag ni Cronje na ang kanyang layunin sa paglulunsad ng mga bagong platform ay para bigyang-kapangyarihan ang mga developer, hindi ang mga espekulador, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga madaling gamiting produkto at template ng disenyo.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Keep3rV1?

Nilalayon ng Keep3rV1 na bawasan ang pagmementena na kinahaharap ng mga proyektong nakabatay sa blockchain na gumagamit ng malalaking bilang ng smart contract para palakasin ang mga lalong nagiging kumplikadong sistema. Ang mga proyektong ito ay kadalasang nangangailangan ng mga panlabas na tagakilos para kumumpleto ng mga gawain, at dinisenyo ang Keep3rV1 na maging isang desentralisadong ecosystem para makapagtulungan nang mas episyente ang mga proyekto at developer.

Ang network ay umaasa sa mga Keeper, na siyang nagbibigay ng mga smart contract, bot o script na nakapagsasagawa ng mga transaksyon o nag-uudyok ng mga kaganapan. Para gamitin ang platform, nagsusumite ang isang proyekto ng smart contract na sinusuri at inaaprubahan ng isang naka-bond (legal na nakabigkis) na Keeper — isang nakatanggap at nakapag-lock ng KP3R sa platform. Ang mga proyekto ay maaaring magtakda ng mga panuntunan tungkol sa kung aling mga Keeper ang maaaring kumuha ng trabaho, tulad ng pag-aatas ng isang minimum na naka-bond na stake ng KP3R o isang tiyak na bilang ng mga trabahong nakumpleto na. Ang mga Keeper ay ginagantimpalaan sa KP3R para sa pagkumpleto ng mga trabaho, bagama't maaaring magsumite ang isang proyekto ng Ether (ETH) kapalit ng mga credit na katumbas ng KP3R.

Sinabi ni Cronje na ang Keep3rV1 ay may dagdag na benepisyo ng pagpapahintulot sa pagbuo ng DApps na hindi sana magiging posible sa ibang paraan, kabilang ang MetaWallet — isang smart-contract wallet na hindi nangangailangan ng mga transaksyon o mga gas fee — at ang Unihedge — isang sistema sa mitigasyon ng hindi permanenteng pagkalugi.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang tungkol sa Origin Protocol, isang pangkomersyong platform na naglalayong ikonekta ang mga bumibili at mga nagbebenta.

Alamin ang tungkol sa yearn.finance, ang proyektong DeFi na nagpasikat kay Cronje.

Baguhan sa DeFi? Magbasa ng malalimang gabay sa Alexandria, isang online na mapagkukunan ng kaalaman mula sa CoinMarketCap.

Manatiling naaabisuhan sa mga pinakabagong inobasyon sa blockchain gamit ang CoinMarketCap Blog.

Gaano Karaming Keep3rV1 (KP3R) Coin ang nasa Sirkulasyon?

Ang Keep3rV1 ay walang paunang natukoy na supply ng token, at ang proyekto ay hindi dumaan sa isang initial coin offering o isang kaganapan na lumilikha ng token. Sa halip, ang KP3R ay ginagawa kapag ang liquidity ay ibinibigay sa platform sa pamamagitan ng Uniswap. Sa paglulunsad ng proyekto, ang Keep3rV1 ay may naiulat na $5.5 milyong halaga ng liquidity. Sa loob ng unang araw, umabot na ito ng $9.8 milyon, na may nilikhang bayad na $384,197.

Ang kabang-yaman ng proyekto ay pinananatili ng mga naka-bond na Keeper, na siyang responsable para sa pamamahala. Ang bawat transaksyon sa platform na hindi KP3R ay sinisingil ng 0.3% na bayad, na ipinamamahagi sa kabang-yaman. Ang mga Keeper na nakakakumpleto ng mga trabaho ay ginagantimpalaan ng KP3R, na maaaring pamuhunanan upang makalahok sa pamamahala o makatanggap ng mga dibidendo, sakaling magpasya ang namamahala sa platform na likhain at ipamahagi ang mga ito.

Paano Sine-secure ang Keep3rV1 Network?

Ang Keep3rV1 ay isang platform na nakabatay sa Ethereum na gumagamit ng KP3R, isang ERC-20 governance token. Nangangahulugan na umaasa ito sa Ethereum blockchain para pagtibayin ang anumang mga transaksyong KP3R sa mismong chain. Gumagamit ang Ethereum ng isang proof-of-workconsensus algorithm kung saan ang mga miner ay nakikipagkumpitensya sa isa't isa para magdagdag ng mga bagong block sa blockchain at isang mayorya ng lahat ng node sa network ay dapat na magkumpirma ng isang rekord para maipaskil ito.

Sa loob mismo ng Keep3rV1 platform, ang mga naka-bond na Keeper ay responsable para sa pangangasiwa at pag-aapruba ng mga trabaho at para sa pangangasiwa ng mga Keeper — kabilang ang pag-aareglo ng mga pagtatalo at pag-blacklist ng masasamang tagakilos, kung kinakailangan.

Noong katapusan ng Oktubre 2020, ang mga smart contract ng proyekto ay na-audit ng PeckShield, isang kumpanya sa seguridad ng blockchain, bago ito nag-live. Natuklasan ng audit na ang Keep3rV1 ay "mahusay na dinisenyo at ininhinyero" at walang naibunyag na kritikal na depekto sa seguridad, ngunit natukoy nito ang ilang potensyal na peligro na may katamtaman hanggang matinding kalubhaan, na inihayag ni Cronje na naitala at na-update na.

Saan Ka Makakabili ng Keep3rV1 (KP3R)?

Ang KP3R ay pangunahing ipinagpapalit sa Uniswap (V2), kung saan maaari itong ipang-trade laban sa WETH (WETH) at USD Coin (USDC). Mabibili rin ito sa Bilaxy, Binance at MXC.COM, kung saan maaari itong i-trade sa mga spot market laban sa Ether, Binance Coin (BNB) at Tether (USDT), ayon sa pagkakabanggit.

Interesado ka bang bumili ng KP3R o iba pang mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin (BTC)? Ang CoinMarketCap ay may simpleng kada hakbang na gabay para turuan ka ng lahat ng tungkol sa crypto at kung paano bumili ng una mong mga coin.

converter-coin-logo

KP3R

Keep3rV1

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng KP3R

Keep3rV1 Presyo Ngayon
Presyo ng Keep3rV1₱12,697.54
Price Change24h₱-102.86
0.80%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱11,859.35 /
₱13,203.16
Volume ng Pagte-trade24h₱322,259,556.63
9.82%
Volume / Market Cap0.1269
Dominance sa Market0.00%
Ranggo sa Merkado#543
Market Cap ng Keep3rV1
Market Cap₱2,539,520,257.80
0.80%
Fully Diluted Market Cap₱2,560,369,614.80
0.81%
Keep3rV1 Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱11,859.35 /
₱13,336.63
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱13,214.89 /
₱12,552.84
Pagbabago Kahapon

5.01%

Dami Kahapon₱319,015,486.82
Keep3rV1 Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱11,859.35 /
₱20,688.19
30 araw na Low / 30 araw na High
₱10,096.06 /
₱20,688.19
90 araw na Low / 90 araw na High
₱9,971.65 /
₱20,770.30
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱1,759.10 /
₱27,183.82
Pinakamataas
Dec 16, 2020 (5 months ago)
₱27,183.82
53.18%
Pinakamababa
Oct 28, 2020 (7 months ago)
₱1,759.10
623.45%
ROI ng Keep3rV1
Walang Datos
Keep3rV1 Panustos
Umiikot na Supply200,001 KP3R
Kabuuang Supply200,001 KP3R
Sagad na Supply201,643 KP3R