Kindly note that the BSC and HECO contract addresses are for pegged versions of DOT.
DOT

PolkadotDOT

Rank #8
Coin
On 474,892 watchlists

Presyo ng Polkadot (DOT)

₱2,005.12
7.40%

0.0008887 BTC6.36%

0.01174 ETH2.92%

Mababa:₱2,005.12
Mataas:₱2,226.82
24h
DOT  Polkadot DOTPrice: ₱2,005.12 7.61%
Market Cap
₱1,881,645,348,033
7.59%
Fully Diluted Market Cap
₱2,153,387,212,817
7.61%
Dami
24h
₱178,168,845,049
49.64%
Volume / Market Cap
0.09469
Umiikot na Supply
938,421,175.79 DOT
Sagad na Supply
--
Kabuuang Supply
1,073,945,291
converter-coin-logo

DOT

Polkadot

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng DOT

Polkadot Presyo Ngayon
Presyo ng Polkadot₱2,005.12
Price Change24h₱-160.31
7.40%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱2,016.96 /
₱2,226.82
Volume ng Pagte-trade24h₱178,168,845,048.67
49.52%
Volume / Market Cap0.09469
Dominance sa Market1.79%
Ranggo sa Merkado#8
Market Cap ng Polkadot
Market Cap₱1,881,645,348,032.55
7.38%
Fully Diluted Market Cap₱2,153,387,212,816.79
7.40%
Polkadot Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱2,051.88 /
₱2,372.57
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱2,289.82 /
₱2,078.73
Pagbabago Kahapon

9.22%

Dami Kahapon₱309,745,163,170.30
Polkadot Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱1,559.32 /
₱2,372.57
30 araw na Low / 30 araw na High
₱1,295.33 /
₱2,372.57
90 araw na Low / 90 araw na High
₱1,277.53 /
₱2,372.57
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱128.57 /
₱2,372.57
Pinakamataas
May 15, 2021 (2 days ago)
₱2,372.57
15.30%
Pinakamababa
Aug 20, 2020 (9 months ago)
₱128.57
1463.07%
ROI ng Polkadot

1415.31%

Polkadot Panustos
Umiikot na Supply938,421,176 DOT
Kabuuang Supply1,073,945,291 DOT
Sagad na SupplyWalang Datos

Polkadot Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng DOT

Ang presyo ng Polkadot ngayon ay ₱2,005.12 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱178,168,845,049 PHP. Ang Polkadot ay bumaba nang 7.61 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #8, na may market cap na ₱1,881,645,348,033 PHP. Ito ay may circulating supply na 938,421,176 DOT (na) coin at ang max. supply ay hindi available.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng Polkadot ay kasalukuyang Binance, Huobi Global, OKEx, FTX, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang Polkadot (DOT)?

Ang Polkadot ay isang open-source sharding multichain na protokol na nagpapadali sa cross-chain na paglipat ng anumang uri ng data o asset, hindi lamang mga token. Sa ganoong paraan, ginagawa nitong interoperable sa isa't isa ang malawak na hanay ng mga blockchain.

Ang interoperability na ito ay naglalayong magtatag ng isang ganap na desentralisado at pribadong web, na kinokontrol ng mga user nito, at pasimplehin ang paggawa ng mga bagong application, institusyon at serbisyo.

Ang Polkadot protocol ay nagkokonekta sa mga pampubliko at pribadong chain, network na hindi nangangailangan ng pahintulot, oracle at teknolohiya sa hinaharap, na nagbibigay-daan sa malalayang blockchain na ito na magbahagi ng impormasyon at mga transaksyon nang hindi nangangailangan ng tiwala gamit ang Polkadot relay chain (ipinaliwanag nang higit pa sa ibaba).

Ang likas na DOT token ng Polkadot ay may ginagampanang tatlong malilinaw na layunin: pagbibigay ng pamamahala sa network at mga pagpapatakbo, at paglikha ng mga parachain (parallel chain) sa pamamagitan ng pag-uugnay.

Ang Polkadot ay may apat na pangunahing bahagi:

  • Relay Chain: ang “puso” ng Polkadot, na tumutulong na makalikha ng consensus, interoperability at kabahaging seguridad sa kabuuan ng network ng iba't ibang chain;
  • Mga Parachain: mga malayang chain na maaaring magkaroon ng sarili nitong mga token at ma-optimize para sa mga partikular na kaso ng paggamit;
  • Parathread: katulad ng mga parachain ngunit may flexible na pagkakakonekta batay sa isang matipid na pay-as-you-go na modelo;
  • Mga Bridge: nagbibigay-daan sa mga parachain at parathread na kumonekta at magkomunika sa mga panlabas na blockchain tulad ng Ethereum.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Polkadot?

Ang Polkadot ay itinatag ng Web3 Foundation, isang Swiss Foundation na itinatag upang magbigay-daan sa isang ganap na gumagana at madaling gamiting desentralisadong web, bilang isang open-source na proyekto.

Ang mga tagapagtatag nito ay sina Dr. Gavin Wood, Robert Habermeier at Peter Czaban.

Si Wood, ang presidente ng Web3 Foundation, ang pinakakilala sa kanilang tatlo dahil sa kanyang impluwensya sa industriya bilang katuwang na tagapagtatag ng Ethereum, tagapagtatag ng Parity Technologies at ang lumikha ng smart contract coding language na Solidity.

Si Habermeier ay isang Thiel Fellow at dalubhasang tagapagsaliksik at developer ng blockchain at cryptography. Si Czaban ang Direktor ng Teknolohiya ng Web3 Foundation. Gamit ang kanyang mayamang karanasan sa mga lubhang espesyalisadong industriya ng fintech, kasalukuyan siyang tumutulong na makabuo ng bagong henerasyon ng ipinamamahaging teknolohiya.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa Polkadot?

Ang Polkadot ay isang sharded multichain network, ibig sabihin, maaari itong magproseso ng maraming transaksyon sa maraming chain nang parallel (“mga parachain”). Ang parallel na kapangyarihan sa pagproseso na ito ay nagpapabuti sa kakayahang sumukat.

Ang mga custom na blockchain ay mabilis at madaling mabuo sa pamamagitan ng Substrate framework at maaaring ikonekta sa network ng Polkadot sa loob ng ilang minuto. Ang network ay lubhang bumabagay at umaangkop, na nagbibigay-daan sa pagbabahagi ng impormasyon at paggana sa pagitan ng mga kalahok katulad ng mga app sa isang smartphone. Ang Polkadot ay maaaring awtomatikong mai-upgrade nang hindi nangangailangan ng isang fork upang maipatupad ang mga bagong tampok o maalis ang mga bug.

Ang network ay may lubhang sopistikadong sistema ng pamamahala na hinihimok ng user na nakatutulong din na maprotektahan ito. Maaaring i-customize ng mga komunidad ang pamamahala ng kanilang blockchain sa Polkadot batay sa kanilang mga pangangailangan at nagbabago-bagong kalagayan. Ang mga nominator, validator, collator at fisherman ay pawang tumutupad sa iba't ibang tungkulin upang tumulong na protektahan at panatilihin ang network at puksain ang masamang gawi.

Mga Kaugnay na Page:

Matuto pa tungkol sa Cosmos (ATOM).

Matuto pa tungkol sa Ethereum (ETH).

Matuto pa tungkol sa Cardano (ADA).

Bisitahin ang CoinMarketCap blog para sa mga trending na balita at pananaw tungkol sa blockchain.

Gaano Karaming Polkadot (DOT) Token ang nasa Sirkulasyon?

Ang Polkadot ay kasalukuyang may alokasyon na 1 bilyong DOT token, kasunod ng pagbabago ng denominasyon ng network mula sa paunang maximum na supply na 10 milyon noong Agosto 2020. Ang pagbabago ng denominasyon ay isinagawa para lang maiwasan ang paggamit ng maliliit na decimal at gawing mas madali ang pagkalkula. Bagama't dinagdagan ang lahat ng balanse nang paisa-isang daan, hindi ito nakaapekto sa pamamahagi ng DOT o proportional share ng mga may hawak nito.

Paano Sine-secure ang Polkadot Network?

Ang malawakang interoperability ng Polkadot sa pamamagitan ng isang hanay ng mga karaniwang validator ay tumutulong na ma-secure ang maraming blockchain nito at binibigyang-daan ang mga ito na masukat ang mga transaksyon nito sa pamamagitan ng pagkalat ng data ng mga ito sa maraming parachain.

Ginagamit ng network ang mekanismong NPoS (nominated proof-of-stake) upang pumili ng mga validator at nominator at maksimasahin ang seguridad ng chain.

Ang natatanging validity scheme na ito ay binibigyang-daan ang mga chain na makipag-ugnayan sa isa't isa nang ligtas sa ilalim ng parehong mga patakaran, ngunit mananatiling malayang pinamamahalaan.

Saan Ka Makakabili ng Polkadot (DOT)?

Sa kasalukuyan, ang mga nangungunang exchange para sa pagte-trade ng Polkadot (DOT) ay ang Binance, Huobi Global, HBTC, OKEx at Binance.KR. Maaari mong makita ang iba pang nakalista sa aming page ng mga crypto exchange.

Makakabili ka na rin ngayon ng mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin at Ethereum nang direkta sa pamamagitan ng credit card sa fiat currency na iyong pinili. Para alamin kung paano, magbasa pa rito.