Mga Cryptocurrency:  11,064Mga Pagpapalitan:  389Market Cap:  ₱74,397,527,492,07224h Dami:  ₱6,259,090,478,702Dominance:  BTC: 47.4% ETH: 17.7%ETH Gas:  37 Gwei
Mga Cryptocurrency:  11,064Mga Pagpapalitan:  389Market Cap:  ₱74,397,527,492,07224h Dami:  ₱6,259,090,478,702Dominance:  BTC: 47.4% ETH: 17.7%ETH Gas:  37 Gwei
OMG

OMG NetworkOMG

Ranggo #101
Token
Nasa 116,563 watchlist

Presyo ng OMG Network (OMG)

₱194.85
5.77%

0.0001027 BTC5.53%

0.001713 ETH5.53%

Mababa:₱184.58
Mataas:₱209.18
24h
OMG  OMG Network OMGPrice: ₱194.85 5.53%
Market Cap
₱27,326,710,203
5.53%
Fully Diluted Market Cap
₱27,326,710,350
32.60%
Dami
24h
₱12,049,324,277
94.06%
Volume / Market Cap
0.4409
Umiikot na Supply
140,245,398.25 OMG
100%
Sagad na Supply
140,245,399
Kabuuang Supply
140,245,398
Sponsored
converter-coin-logo

OMG

OMG Network

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng OMG

OMG Network Presyo Ngayon
Presyo ng OMG Network₱194.85
Pagbabago ng presyo24h₱10.63
5.77%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱184.58 /
₱209.18
Volume ng Pagte-trade24h₱12,049,324,276.67
94.50%
Volume / Market Cap0.4409
Dominance sa Market0.04%
Ranggo sa Merkado#101
Market Cap ng OMG Network
Market Cap₱27,326,710,202.85
5.77%
Fully Diluted Market Cap₱27,326,710,350.27
32.90%
OMG Network Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱181.00 /
₱190.14
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱187.55 /
₱190.08
Pagbabago Kahapon

1.35%

Dami Kahapon₱6,166,538,512.95
OMG Network Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱153.86 /
₱209.18
30 araw na Low / 30 araw na High
₱153.86 /
₱244.13
90 araw na Low / 90 araw na High
₱146.32 /
₱770.98
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱76.48 /
₱770.98
Pinakamataas
Jan 08, 2018 (4 years ago)
₱1,426.49
86.31%
Pinakamababa
Jul 16, 2017 (4 years ago)
₱16.09
1114.11%
ROI ng OMG Network

624.23%

OMG Network Panustos
Umiikot na Supply140,245,398 OMG
Kabuuang Supply140,245,398 OMG
Sagad na Supply140,245,399 OMG

OMG Network Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng OMG

Ang presyo ng OMG Network ngayon ay ₱194.86 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱12,050,130,616 PHP. Ang OMG Network ay tumaas nang 5.53 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #101, na may market cap na ₱27,328,538,904 PHP. Ito ay may circulating supply na 140,245,398 OMG (na) coin at na max. supply na 140,245,399 OMG (na) coins.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng OMG Network ay kasalukuyang Binance, OKEx, Huobi Global, CoinTiger, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang OMG Network (OMG)?

Ang OMG Network, dating kilala bilang OmiseGo, ay isang hindi nag-iingat ( non-custodial ), layer-2 scaling solution na binuo para sa Ethereum blockchain. Bilang isang Ethereum scaling solution, ang OMG Network ay dinisenyo upang payagan ang mga user na maglipat nang hamak na mas mabilis at mas mura ng ETH at ERC20 tokens kaysa kapag direktang nakikipagtransaksyon sa Ethereum network.

Ang network ay batay sa isang makabagong scaling solution na tinatawag na MoreViable Plasma, na gumagamit ng isang arkitektura ng sidechain upang igrupo sa isang batch ang ilang mga transaksyon na labas sa chain (off-chain), na kalaunan ay mabeberipika bilang isahang (single) transaksyon sa Ethereum root chain. Ayon sa OMG Network, ang teknolohiyang ito ay may potensyal para ma-scale ang Ethereum sa libo-libong transaksyon kada segundo (TPS) — sa halip na 10 hanggang 14 na transaksyon kada segundo na kasalukuyang nakakaya ng Ethereum 1.0.

Ang network ay pinalalakas ng OMG utility token, na maaaring gamitin bilang isa sa mga pamamaraan ng pagbabayad para sa mga bayarin sa OMG Network, at kalaunan ay magagawang ma- stake — na tumutulong na i-secure ang network kapalit ng mga gantimapala o rewards .

Sino ang mga Tagapagtatag ng OMG Network?

Ang OMG Network sa kasalukuyan ay binubuo ng isang koponan na may higit sa 50 empleyado na nakakalat sa buong mundo. Itinatag ito ni Vansa Chatikavanij na ipinanganak sa Thailand at gumagana bilang isang subsidaryo ng SYNQA — isang fintech firm na nakabase sa Thailand na kilala dati bilang Omise Holdings.

Bilang tagapagtatag ng proyekto, tumanggap si Vansa Chatikavanij ng isang master's degree sa earth and environmental sciences sa Columbia University ng New York. Kasunod nito, hinawakan ni Chatikavanij ang ilang tungkulin ng pagkonsulta sa mga prominenteng pinansyal na institusyon kabilang ang International Finance Corporation (IFC) at World Bank Group, bago itinatag ang OMG Network (pagkatapos ay OmiseGo) noong 2017.

Pinanghawakan ni Chatikavanij ang tungkulin ng managing director sa kumpanya hanggang 2019, bago ang paglipat sa tungkulin ng CEO, na hawak pa rin niya hanggang sa araw na ito. Bukod pa dito, si Stephen McNamara — dating pinuno ng blockchain R&D Strategy sa Huawei Technologies — ay ang COO ng OMG Network, kung saan si Kasima Tharnpitchai, isang napaka-ekspiryensyadong inhinyero at tagapagkonsulta ay ang CTO naman nito.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa OMG Network?

Naniniwala ang OMG Network na ang makahulugang bilis at mga hadlang na gastusin ay kailangang mapagtagumpayan bago ikonsidera ng mga pangkaraniwang negosyo na itayo ang kanilang mga produkto at aplikasyon sa network.

Dahil dyan, ang proyekto na OMG Network ay itinayo upang gawing mas kaakit-akit ang Ethereum sa mga negosyo at proyekto na gustong mag- scale habang sabay na binabawasan ang kanilang carbon footprint. Nakakamit niya ito gamit ang kanyang sidechain solution na nakabatay sa plasma, na makakatulong pababain ang paggamit ng kuryente hanggang sa 99% kumpara sa Ethereum at binabawasan ang mga bayarin ng halos dalawang-katlo (two thirds), habang tinitiyak na ang mga asset ay pinananatiling ligtas ng pinagbabatayang Ethereum network.

Ang platform mismo ay suportado ng $25 milyong pagpopondo na nakuha sa 2017 initial coin offering (ICO) nito. Higit pa dyan, ang SYNQA na parent firm ng OMG Network ay nakalikom kamakailan lang ng karagdagang $80 milyon sa Series C na pagpopondo — at sinuportahan ng ilang malalaking investment firm , kabilang ang Toyota Financial Services Corporation at Sumitomo Mitsui Banking Corporation.

Mga Kaugnay na Pahina

Basahin ang tungkol sa Stellar — isa sa mga pinakamalaking kakumpitensya ng OMG Network.

Alamin ang higit pa tungkol sa Polkadot - isang mabilis na matalinong kontrata na may kakayahan ng blockchain.

Mas palalimin pa ang kaalaman sa Ethereum 2.0 gamit ang CoinMarketCap Alexandria.

Manatiling nasa itaas ng mga pinakabagong nauuso gamit ang CoinMarketCap Blog.

Gaano Karaming OMG Network (OMG) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Tulad ng maraming mga cryptocurrency, ang OMG Network tokens ay may nakapirming maximum na supply. Ito ay nakatakda sa eksaktong 140,245,398 OMG at hindi kailanman na tataas sa puntong ito. Hindi tulad ng maraming iba pang mga cryptocurrency, ang kabuuang supply na ito ay ganap nang namina, na ang karamihan ay nasa aktibong sirkulasyon.

Sa kabuuang supply, 65.1% ng mga token ay ipinamahagi sa mga mamumuhunan at 5% ay ipinamahagi sa isang airdrop, samantalang ang huling 29.9% ay hawak ng proyekto at koponan. Sa 29.9% nito, 20% ay naka-lock sa OMG Network reserve ng matalinong kontrata para sa pagpopondo sa mga hinaharap na pagpapaunlad at pagpapatunay ng network, at ang natitirang 9.9% ay nakareserba para sa nagtatag na koponan.

Parehong naka-lock ang OMG reserve at alokasyon ng koponan nang isang taon, ngunit lumipas na ito.

Paano Sine-secure ang OMG Network?

Ang OMG Network mainnet kalaunan ay lilipat isang proof-of-stake (POS) konsensus na sistema, na magpapahintulot sa mga users na i- stake ang kanilang mga token upang makatulong gawing secure ang network at kumita ng mga gantimpala o rewards .

Hanggang sa mangyari iyon, ang OMG Network child chains ay sine-secure sa pamamagitan ng isang proof-of-authority (PoA) konsensus na mekanismo, na talaga namang isang simpleng anyo lang ng proof-of-stake na kinokontrol sa ngayon ng nag-iisang (single) tagagawa ng block (ang mismong OMG Network) — na tunay namang itinataya ang kanyang reputasyon sa pagiging matapat.

Nagpaplanong lumipat ang OMG Network sa proof-of-stake sa lalong madaling panahon na handa na ito, kasunod sa kung aling mga may hawak ng OMG ang magagawang maging mga stakeholder sa tagumpay at seguridad ng network, sa pamamagitan ng pag-delegado ng kanilang stake sa mga validator.

Saan Ka Makakabili ng OMG Network (OMG) Tokens?

Ang mga OMG token ay mataas ang pagkalikida at maaaring mabili o maikalakal sa higit 200 magkakaibang exchange platform, kabilang ang ilang nangungunang 10 exchange — tulad ng Coinbase Pro at Binance. Ang ilan sa mga pinaka-popular na trading pair ay kinabibilangan ng OMG/USDT, OMG/BTC at OMG/ETH.

Maaari ring ikalakal ang OMG laban sa ilang mga fiat currency, kabilang ang U.S. dollars (USD), euros (EUR) at British pound sterling (GBP). Para malaman ang higit pa tungkol sa pagbili ng mga cryptocurrency gamit ang fiat, basahin ang aming simpleng gabay — dito.