Mga Cryptocurrency:  11,043Mga Pagpapalitan:  390Market Cap:  ₱69,562,636,773,43124h Dami:  ₱3,678,930,507,640Dominance:  BTC: 45.8% ETH: 18.2%ETH Gas:  12 Gwei
Mga Cryptocurrency:  11,043Mga Pagpapalitan:  390Market Cap:  ₱69,562,636,773,43124h Dami:  ₱3,678,930,507,640Dominance:  BTC: 45.8% ETH: 18.2%ETH Gas:  12 Gwei
HOT

HoloHOT

Ranggo #76
Token
Nasa 245,147 watchlist

Presyo ng Holo (HOT)

₱0.2581
5.87%

0.0000001519 BTC5.63%

0.000002389 ETH5.63%

Mababa:₱0.2393
Mataas:₱0.2608
24h
HOT  Holo HOTPrice: ₱0.2581 5.63%
Market Cap
₱44,566,454,077
5.63%
Fully Diluted Market Cap
₱45,842,886,155
15.77%
Dami
24h
₱3,569,378,388
31.08%
Volume / Market Cap
0.08009
Umiikot na Supply
172.67B HOT
Sagad na Supply
--
Kabuuang Supply
177,619,433,541
Sponsored

Holo Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng HOT

Ang presyo ng Holo ngayon ay ₱0.257893 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱3,566,574,902 PHP. Ang Holo ay tumaas nang 5.63 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #76, na may market cap na ₱44,531,450,379 PHP. Ito ay may circulating supply na 172,673,864,848 HOT (na) coin at ang max. supply ay hindi available.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng Holo ay kasalukuyang Binance, Hotcoin Global, HitBTC, ZT, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang Holo (HOT)?

Ang Holo ay isang peer-to-peer na ipinamamahaging platform para sa paghohost ng mga disentralisadong aplikasyon na itinayo gamit ang Holochain, isang balangkas (framework) para sa pagbuo ng DApps na hindi nangangailangan ng paggamit ng blockchain technology. Ang layunin ng Holo ay upang maglingkod bilang isang tulay sa pagitan ng mas malawak na internet at mga app na itinayo gamit ang Holochain, nag-aalok ng isang ecosystem at marketplace kung saan ang DApps ay madaling naaakses, dahil sila ay hinost sa internet sa pamamagitan ng mga kalahok ng Holo network.

Ang Holo network ay padadaliin gamit ang isang token na tinatawag na HoloFuel, na aktibong tinetest at kikilosbilang isang accounting system upang bayaran ang mga host para sa kanilang mga serbisyo. Noong 2018, ang proyekto ay nagmint ng isang ERC-20 token, ang HOT — na kilala rin bilang Holotoken — bilang isang "IOU" na matutubos para sa HoloFuel sa oras ng paglulunsad.

Ang Holo ay nasa pagbubuo pa rin at inaasahan na maglunsad para sa bukas na alpha at beta testing sa 2021.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Holo?

Ang Holo ay itinatag nina Arthur Brock at Eric Harris-Braun, na parehong ekspiryensyadong taga-code ng kontrata. Ang dalawa ay unang nagsimulang magtrabaho sa proyekto noong Disyembre 2016 bilang bahagi ng MetaCurrency Project, isang developer ng mga kasangkapan at teknolohiya na dinisenyo upang palakasin ang isang panghinaharap na ekonomiya ng P2P. Ang Holo ay bahagyang minodelo sa Ceptr, isang cooperative P2P framework para sa DApps na pinagtrabahuan dati ng dalawa.

Si Brock ay may dating karanasan sa pagko-code sa mga sistema ng alternatibong currency bilang ang tagapagtatag ng Geek Gene, isang kumpanya na gumawa ng mga kasangkapan sa pagbubuo ng komunidad, kabilang ang higit sa 100 alternatibong mga solusyon sa currency. Kanya ring kapwa itinatag ang social-enterprise incubator na Emerging Leader Labs at itinatag ang bukas na mapagkukunang "starter kit" ng edukasyon na Agile Learning Centers. Noong Marso 2019, si Brock ay pinangalanan na isang fellow ng nakabase sa New Zealand na Edmond Hillary Fellowship.

Si Harris-Braun ay nagsimulang magprograma nang full-time noong 1988 at siya ang tagapagtatag ng Glass Bead Software, isang developer ng peer-to-peer communication software, pati rin bilang kapwa tagapagtatag ng Emerging Leader Labs kasama si Brock. Noong 2003, itinatag niya ang Harris-Braun Enterprises, isang freelance na kumpanya sa pagbubuo at pagkokonsulta ng software. Naglingkod din siya sa advisory board ng Schumacher Center for New Economics.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Holo?

Ayon sa kanyang "green paper," ang Holo ay dinisenyo upang kumilos bilang isang tulay sa pagitan ng Holochain, na kumakatawan sa mundo ng crypto technology, at mga pang-araw-araw na user. Ang proyekto ay nagtatampok ng ilang mga makabagong-likha na sinasabi nito ay "magpapagana sa isang malaking pagbabago sa landscape ng mga aplikasyon at currency ng crypto," kabilang ang kakayahang mag-host ng P2P apps sa internet para sa mga mainstream user.

Ang Holo network ay umaasa sa isang serye ng mga host na nagbibigay ng imbakan o storage at lakas ng pagpoproseso para sa pagbuo ng DApps gamit ang Holochain. Ang mga host alinman ay nag-i-install ng software sa kanilang computer na tumatakbo sa background at awtomatikong naglalaan ng dagdag na lakas sa pagpoproseso sa mga nakabatay sa Holochain na DApps, o sila ay nagpapagana ng isang dedikadong makinarya tulad ng isang HoloPort. Bilang kapalit, ang mga host ay binabayaran ng HoloFuel, isang token na partikular na idinisenyo para sa mga napakaliliit na transaksyon o microtransactions. Ang disenyo ng HoloFuel ay inaasahang magpapahintulot sa Holo network upang makapagproseso ng bilyon-bilyong transaksyon nang magkakasabay.

Ang mga plano sa negosyo ng proyekto ay nakasentro sa pagtatayo ng isang P2P ecosystem ng mga host at aplikasyon, na ikinukumpara ang kanyang nilalayong epekto sa app hosting sa Uber at Airbnb sa industriya ng taksi at hotel, ayon sa pagkakabanggit. Naniningil ng bayad ang Holo sa mga transaksyon ng Holofuel, kaya't ang kanyang modelo ng kita (revenue model) ay direktang nakatali sa lumalaking bilang ng mga aplikasyon at mga host sa network.

Mga Kaugnay na Page:

Alamin ang tungkol sa Ethereum, ang pinaka-popular na platform na ginagamit ng DApps.

Alamin ang tungkol sa Siacoin, ang token na nagpapalakas sa disentralisadong cloud storage platform na Sia.

Gustong mo bang subukan ang isang DApp? Alamin kung paano madaling maakses ang isang DApp mula sa iyong mobile phone kasama ang isang malalimang gabay sa Alexandria, ang mapagkukunan ng kaaalman online ng CoinMarketCap.

Manatiling napapanahon sa mga pinakabagong disentralisadong platform at aplikasyon sa CoinMarketCap Blog.

Gaano Karaming Holo (HOT) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Nagdaos ang Holo ng isang "initial community offering" noong Marso 2018 hanggang Abril 2018. Sa huli, 177.6 bilyong HOT ang na-mint sa pamamagitan ng isang proseso na napagpapasyahan ng demand, na may 133.2 bilyong HOT (75%) na inilaan para sa pampublikong pagbebenta at 44.4 bilyong HOT (25%) ang nakareserba para sa koponan (team) at kumpanya. Ang team tokens ay hindi napailalim sa mga panahon ng pag-aari (vesting) o lock-up.

Sa sandaling ang HoloFuel ay mailunsad, ang HOT tokens ay magagawang maiswap sa isang one-to-one ratio para sa HoloFuel tokens. Noong Enero 2019, ipinahayag ng Holo na sa halip na tanggalin kaagad, ang naiswap na HOT sa halip ay iingatan bilang isang reserbang currency upang magbigay ng paglikida sa mga may hawak ng HoloFuel.

Ang HoloFuel ay walang magiging limitasyon sa supply. Bagkus, ito ay idinisenyo upang maging dinamika at maisama ang isang credit system, na nagpapahintulot sa mga user na magkaroon ng mga negatibong balanse. Ang supply ay algoritmikong kokontrolin, lumiliit at lumalaki bilang tugon sa demand at habang nagbabago ang mga relasyon sa pagitan ng mga user na may negatibo at positibong balanse. Nilalayon ito ng Holo upang magsanhi sa pagpapanatiling medyo matatag ang presyo ng kanyang mga token maya't maya, sa halip na mapasailalim sa marahas at mapagsapalarang paroo't parito ng presyo.

Paano Sine-secure ang Holo Network?

Ang Holo network ay kumikilos bilang isang tulay sa pagitan ng sentralisadong internet at Holochain, na hindi umaasa sa tradisyonal na blockchain technology. Dahil dito, hindi ito umaasa sa pandaigdigang konsensus upang i-secure ang mga network nito. Bagkus, ang bawat DApp ay may kanyang sariling hanay ng mga panuntunan sa pagpapatunay at isang lokal na hash chain kung saan ay maaari itong mag-imbak ng mga rekord na kriptograpikong nilagdaan. Kapag ang data ay inihahatid sa iba't ibang node, ang walang pagkakaayos (random) na mga peer ay kumikilos bilang mga tagapagpatunay (validators), tumatanggap ng data at nagbeberipika na sinusunod nito ang mga tamang panuntunan. Ang mga tagapagpatunay ay gumagamit ng tsismis (gossip) na protokol upang magbahagi ng mabuting data sa isa't isa at magbabala ng masamang data o i-blacklist ang mga masasamang kumilos.

Ayon sa kanyang development team, ang Holo ay idinisenyo upang maging disentralisado hangga't maaari upang mabawasan ang mga panganib na nauugnay sa pagbibigay sa anumang entidad ng labis na kapangyarihan. Ang koneksyon sa pagitan ng mga host at aplikasyon ay naka-encrypt nang dulo sa dulo, at ang Holo ay gumagamit ng isang pandaigdigang ipinamamahaging network ng mga server.

Saan Ka Makakabili ng Holo (HOT)?

Maaaring bumili ng HOT sa mga cryptocurrency exchange tulad ng Binance, Bitrue, ProBit Exchange at MXC.COM, bukod sa iba pa. Maaari itong maikalakal sa mga spot market laban sa fiat currencies tulad ng dolyar ng US at euro, mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin (BTC) at Ether (ETH) at ang stablecoin na Tether (USDT).

Interesado ka bang bumili ng HOT o iba pang cryptocurrencies tulad ng Bitcoin? Ang CoinMarketCap ay may isang simple at kada hakbang na gabay para turuan ka ng lahat ng tungkol sa crypto at kung paano bumili ng una mong mga coin.

Heto pa ang ilang artikulo na maaaring maging interesado ka:

converter-coin-logo

HOT

Holo

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng HOT

Holo Presyo Ngayon
Presyo ng Holo₱0.2581
Pagbabago ng presyo24h₱0.0143
5.87%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱0.2393 /
₱0.2608
Volume ng Pagte-trade24h₱3,569,378,388.47
31.38%
Volume / Market Cap0.08009
Dominance sa Market0.06%
Ranggo sa Merkado#76
Market Cap ng Holo
Market Cap₱44,566,454,077.47
5.87%
Fully Diluted Market Cap₱45,842,886,154.91
16.03%
Holo Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱0.2393 /
₱0.2608
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱0.2462 /
₱0.2596
Pagbabago Kahapon

5.42%

Dami Kahapon₱3,089,912,443.43
Holo Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱0.2179 /
₱0.2784
30 araw na Low / 30 araw na High
₱0.2179 /
₱0.331
90 araw na Low / 90 araw na High
₱0.2179 /
₱0.8828
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱0.02159 /
₱1.59
Pinakamataas
Apr 05, 2021 (4 months ago)
₱1.59
83.69%
Pinakamababa
Mar 13, 2020 (a year ago)
₱0.011
2250.76%
ROI ng Holo

600.81%

Holo Panustos
Umiikot na Supply172,673,864,848 HOT
Kabuuang Supply177,619,433,541 HOT
Sagad na SupplyWalang Datos