Mga Cryptocurrency:  11,032Mga Pagpapalitan:  389Market Cap:  ₱64,725,871,146,47924h Dami:  ₱3,041,221,883,271Dominance:  BTC: 46.9% ETH: 18.3%ETH Gas:  31 Gwei
Mga Cryptocurrency:  11,032Mga Pagpapalitan:  389Market Cap:  ₱64,725,871,146,47924h Dami:  ₱3,041,221,883,271Dominance:  BTC: 46.9% ETH: 18.3%ETH Gas:  31 Gwei
ENJ

Enjin CoinENJ

Ranggo #71
Token
Nasa 235,592 watchlist

Presyo ng Enjin Coin (ENJ)

₱55.99
0.48%

0.00003465 BTC0.70%

0.0005529 ETH0.70%

Mababa:₱55.34
Mataas:₱59.06
24h
ENJ  Enjin Coin ENJPrice: ₱55.99 0.70%
Market Cap
₱46,711,730,870
0.70%
Fully Diluted Market Cap
₱55,987,041,203
22.36%
Dami
24h
₱7,432,405,939
11.43%
Volume / Market Cap
0.1591
Umiikot na Supply
834,331,121.40 ENJ
83%
Sagad na Supply
1,000,000,000
Kabuuang Supply
1,000,000,000
Sponsored

Enjin Coin Chart

Loading Data

Please wait, we are loading chart data

Live Data ng Presyo ng ENJ

Ang presyo ng Enjin Coin ngayon ay ₱55.94 PHP na may 24 na oras na trading volume na ₱7,425,749,662 PHP. Ang Enjin Coin ay bumaba nang 0.70 sa nakalipas na 24 na oras. Ang kasalukuyang ranking ng CoinMarketCap ay #71, na may market cap na ₱46,669,897,012 PHP. Ito ay may circulating supply na 834,331,121 ENJ (na) coin at na max. supply na 1,000,000,000 ENJ (na) coins.

Ang mga nangungunang exchange para sa palitan ng Enjin Coin ay kasalukuyang Binance, OKEx, CoinTiger, FTX, at . Makikita mo ang iba pang nakalista sa aming .

Ano ang Enjin Coin (ENJ)?

Ang Enjin Coin ay isang proyekto ng Enjin, isang kumpanya na nagbibigay ng isang ecosystem ng magkokonekta at batay sa blockchain na mga produkto ng paglalaro o gaming . Ang pinakamahalagang alok ng Enjin ay ang Enjin Network, isang social gaming platform kung saan ang mga user ay maaaring lumikha ng mga website at clans, chat, at mag-host ng virtual item stores.

Nagbibigay-daan ang Enjin sa mga developer ng laro upang i-tokenize ang mga item sa laro sa Ethereum blockchain. Gumagamit ito ng Enjin Coin, isang ERC-20 token, upang alalayan ang mga digital asset na inisyu gamit ang kanyang platform, ibig sabihin ay maaaring bilhin, ibenta at ikalakal ang mga item sa halaga sa tunay na mundo.

Unang inanunsyo ang Enjin Coin noong Hulyo 2017, at naglunsad ito sa Ethereum mainnet noong Hunyo 2018.

Ang Enjin Coin (ENJ) ay isang digital store ng halaga na ginagamit upang alalayan ang halaga ng mga blockchain asset tulad ng mga non-fungible tokens (NFTs). Ang bawat asset na na-mint sa Enjin Platform ay naglalaman ng ENJ, isang yaman sa pagmimint na naka-lock sa loob ng mga NFT at inaalis sa sirkulasyon. Ang pagmimint ng mga blockchain asset kasama ang ENJ ay nagbibigay ng samu't saring mga benepisyo sa mga tagalikha at mga user:

  • Ipinapasok sila na may reserbang halaga (reserve value)
  • Tinitiyak ang kanilang pagkalinaw at kakuntian
  • Nagbibigay sa kanila ng pagkakataon ng paglikida
  • Nagbibigay ng paggamit sa mga laro at apps
  • Kontra-implasyon
  • Ang punsyonalidad na "melting" ay nagbibigay-daan sa mga user na sirain ang kanilang blockchain assets anumang oras upang mabawi ang halaga ng ENJ mula sa loob.

Ang Enjin blockchain ecosystem ay naglalayong mag-alok ng mga produkto ng software na gagawing madali para sa lahat ang bumuo, mangalakal, perahin, at mag-market sa blockchain.

Itinatag noong 2009, Ang Enjin ay may mga simulain sa industriya ng paglalaro, kung saan ang unang produkto ng kumpanya, isang gaming community platform na tinatawag na Enjin Network, ay lumaki sa 20 milyong user sa paglipas ng isang dekada.

Noong 2017 kasunod ng isang ICO, Napagtibay ng Enjin ang sarili nito bilang isang nangungunang blockchain ecosystem developer, nagtatatag ng isang hanay ng mga produktong software na nagbibigay-daan sa sinuman upang madaling makapagmint, mamahala, mangalakal, at maipagsama-sama ang blockchain assets.

Ang kapwa tagapagtatag ng Enjin na si Witek Radomski ay siyang sumulat ng code para sa isa sa mga unang non-fungible tokens (NFTS) at siya ay kapwa tagapagtatag rin ng ERC-1155 Ethereum token na pamantayan.

Binuo sa itaas ng isang imprastraktura sa mismong chain, ang Enjin ecosystem ay nagpapagana sa mga developer at negosyo sa anumang kalakihan upang makagamit ng tokenized digital assets bilang bahagi ng kanilang mga estratehiya sa pagkuha, pagpapanatili, pakikipag-ugnayan, at pagpepera. Ang Enjin ecosystem ay pinagagana ng Enjin Coin (ENJ), isang cryptocurrency na ginagamit upang alalayan ang halaga ng mga blockchain asset.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Enjin Coin?

Ang Enjin ay itinatag bilang isang gaming community platform noong 2009 ni Maxim Blagov at Witek Radomski, kung saan si Blagov ay naging CEO at umaako ng responsibilidad para sa malikhaing pagdidirekta ng kumpanya at si Radomski na naglilingkod bilang punong teknikal na opisyal, responsable para sa mga teknikal na pag-unlad ng mga produkto nito. Inilarawan ni Blagov ang kanyang sarili bilang may karanasan sa malikhaing pagdidirekta, marketing, at pamamahala at pagdidisenyo ng proyektong software.

Ang ideya ng pagpapakilala ng blockchain sa Enjin ay unang iminungkahi ni Radomski matapos siyang maging interesado sa Bitcoin (BTC) noong 2012, kalaunan ay kinumbinsi ang kumpanya na tanggapin ito bilang isang opsyon sa pagbabayad. Matapos malaman ang tungkol sa Ethereum at matatalinong kontrata, siya ay nagpasya na gusto niyang lumikha ng kanyang sariling blockchain-integrated software. Sa Radomski ay siya ring awtor ng ERC-1155 token standard, isang bagong pamantayan para sa mga token na inisyu sa Ethereum na ipinakilala noong Hunyo 2018, natapos gawin noong Hunyo 2019, at ginagamit para sa pagmimint ng parehong fungible at nonfungible tokens.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Enjin Coin?

Ayon sa kapwa tagapagtatag na si Radomski, ang Enjin Coin ay natatangi dahil sa ang bawat token na na-mint sa Enjin Platform, ang blockchain asset development plaform ng kumpanya na naglunsad noong Pebrero 2020, ay direktang inaalalayan ng ENJ, na nagbibigay ng paglikida sa tunay na mundo sa mga item sa mismong laro. Gayundin, isinaad ni Blagov na ang kumpanya ay nakapokus sa adopsyon, kanyang sinasabi na nailalarawan niya sa kanyang isip ang isang hinaharap kung saan milyun-milyong mga gamer ang gumagamit ng mga digital item na inaalalayan ng Enjin Coin nang hindi man lang nalalaman na ito ay umiiral.

Gumagamit ang Enjin Coin ng isang serye ng matatalinong kontrata kung saan ang mga game developer ay nagpapadala ng ENJ upang mag-mint ng bago at natatanging fungible o nonfungible ERC-1155 tokens. Ang mga token na ito ay maaaring ikalakal sa Enjin Marketplace, na naglunsad noong Setyembre 2019, o maipagpalit para sa kanilang pag-alalay sa ENJ anumang oras. Habang mas dumadami ang mga pasadyang token na namimint, mas maraming ENJ ang tinatanggal mula sa ecosystem, kaya ginagawa itong mas kakaunti.

Ayon sa kanyang whitepaper, ang Enjin Coin ay gumagamit ng isang serye ng parehong on-chain at off-chain na mga proseso. Kapag ang isang transaksyon ay nakumpleto na sa loob ng Enjin ecosystem, isang Pinagkakatiwalaang Platform ang kumokontak sa mga smart wallet ng mga user, at ang website o laro ay naa-update kaagad gamit ang isang placeholder o hindi naikakalakal na bersyon ng digital item hanggang sa ang transaksyon ay mapatunayan ng Etherium blockain.

Mga Kaugnay na Page:

Matutunan ang tungkol sa Decentraland, isang birtwal na mundo kung saan ang pagmamay-ari ng lupa ay inaalalayan ng cryptocurrency.

Matutunan ang tungkol sa Atari Token, ang proyekto ng cryptocurrency ng lumikha sa ikonikong video game na Atari.

Gustong malaman ang higit pa tungkol sa initial coin offerings? Basahin ang isang malalimang gabay sa Alexandria, ang mapagkukunan ng kaalaman online ng CoinMarketCap.

Manatiling napapanahon sa kung paano nagagambala ng blockchain ang industriya ng paglalaro gamit ang CoinMarketCap Blog.

Gaano Karaming Enjin Coin (ENJ) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang Enjin Coin ay may nakapirming maximum supply na 1 bilyong token. Gayunpaman, habang ang ecosystem ay lumalaki at mas maraming ENJ ang naka-lock sa in-game digital assets, ang bilang ng coins na talagang nasa sirkulasyon ay bababa.

Ang Enjin Coin ay unang ginawang available para bilhin sa kaganapan ng presale noong Setyembre 2017 kung saan 400 milyong ENJ ang naibenta para sa kabuuan na 38,800 Ether (ETH), na nagkakahalaga ng $12 milyon noong panahon na iyon, na may isa pang 100 milyong ENJ na ibinigay bilang mga bonus. Sa kabuuan, ang presale ay nakapagbenta at nakapamigay ng 50% ng kabuuang supply. Isang initial coin offering ang idinaos noong Oktubre 2017, na may 300 milyong ENJ — 30% ng kabuuang supply — ang available para bilhin. Nakalikom ang ICO ng 75,041 ETH, nagkakahalaga ng $18.9 milyon noong panahong iyon. Ang mga token na hindi naibenta noong ICO ay naka-lock sa loob ng anim na buwan upang magamit kalaunan para sa mga inisyatibo at marketing ng komunidad.

10% ng kabuuang supply ng token ay nakareserba para sa kumpanya para sa mga inisyatibo sa komunidad, beta testing, marketing at estratehikong pakikipagsosyo, habang ang isa pang 10% ay nakareserba para sa mga miyembro ng koponan at mga tagapayo. Ang mga token ng mga miyembro ng koponan ay naka-lock sa unang anim na buwan at ipinagkakaloob sa mahigit 24 na buwan, habang ang mga token ng tagapayo ay naka-lock sa loob ng dalawang buwan at ganap na inilalabas pagkatapos niyon.

Paano Sine-secure ang Enjin Coin Network?

Ang Enjin Coin ay isang ERC-20 token na iniisyu sa Ethereum blockchain, ibig sabihin na anumang on-chain ENJ na transaksyon ay pinatutunayan at sine-secure sa pamamagitan ng Ethereum network gamit ang isang proof-of-work konsensus na algoritmo. Nakikipagkumpitensya sa isa't isa ang mga tagamina para magdagdag ng mga bagong block sa blockchain at karamihan sa lahat ng nodes sa network ay dapat kumpirmahin ang isang rekord para mai-post ito.

Ang pinagbabatayang matatalinong kontrata na nagpapalakas sa Enjin Coin ay sumailalim na sa ilang audit, kabilang ang kay Matthew Di Ferrante na siyang developer ng Ethereum noong Setyembre 2017, sa auditor at developer ng matalinong kontrata na ZK Labs noong kaagahan ng 2018, at sa Castillo Network noong Hulyo 2019.

Noong Oktubre 2020, inilunsad ng Enjin ang isang bug bounty program sa pamamagitan ng information security company na HackerOne.

Saan Ka Makakabili ng Enjin Coin (ENJ)?

Ang Enjin Coin ay maaaring bilihin sa mga cryptocurrency exchange tulad ng Binance, Bithumb, Uniswap (V2) at Balancer, bukod sa iba pa. Maaari itong ikalakal laban sa fiat currencies tulad ng dolyar ng U.S. at euro, mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin at Ether, at stablecoins tulad ng Tether (USDT) at USD Coin (USDC). Maaari itong bilihin at ibenta sa parehong spot at mga deribatibong market.

Interesado ka bang bumili ng ENJ o iba pang cryptocurrencies tulad ng Bitcoin? Ang CoinMarketCap ay may isang simple at kada hakbang na gabay para turuan ka ng lahat ng tungkol sa crypto at kung paano bumili ng una mong mga coin.

converter-coin-logo

ENJ

Enjin Coin

converter-coin-logo

PHP

Philippine Peso

Istatistika ng Presyo ng ENJ

Enjin Coin Presyo Ngayon
Presyo ng Enjin Coin₱55.99
Pagbabago ng presyo24h₱-0.2672
0.48%
24 na oras na Low / 24 na oras na High
₱55.34 /
₱59.06
Volume ng Pagte-trade24h₱7,432,405,938.65
11.23%
Volume / Market Cap0.1591
Dominance sa Market0.07%
Ranggo sa Merkado#71
Market Cap ng Enjin Coin
Market Cap₱46,711,730,870.50
0.47%
Fully Diluted Market Cap₱55,987,041,202.76
22.64%
Enjin Coin Presyo Kahapon
Low / High Kahapon
₱53.60 /
₱57.46
Pagbubukas / Pagsasara Kahapon
₱55.06 /
₱56.53
Pagbabago Kahapon

2.67%

Dami Kahapon₱7,495,391,131.29
Enjin Coin Kasaysayan ng Presyo
7 araw na Low / 7 araw na High
₱46.54 /
₱62.67
30 araw na Low / 30 araw na High
₱44.77 /
₱75.32
90 araw na Low / 90 araw na High
₱37.33 /
₱142.81
52 Linggong Low / 52 Linggong High
₱5.60 /
₱200.63
Pinakamataas
Apr 09, 2021 (3 months ago)
₱200.63
72.03%
Pinakamababa
Nov 02, 2017 (4 years ago)
₱0.7842
7055.94%
ROI ng Enjin Coin

4489.05%

Enjin Coin Panustos
Umiikot na Supply834,331,121 ENJ
Kabuuang Supply1,000,000,000 ENJ
Sagad na Supply1,000,000,000 ENJ